5.12.2006 5/12/2006 07:29:00 PM

Dabaw

bituin sa lupa kumikislap sa kalawakan
nakikita kita ngayon at tuwing gabi
ang iyong tanglaw ay sing-tingkad ng
tanglaw ng bituin sa ibabaw natin

dabaw..
daaaabaw..

ang iyong langsangan ay tahanan ng batang ulila
sa iyong estero pangarap ay nakapundar
sa iyong mga looban at pagawaan inaaruga ang kinabukasan

dabaw..
daaaabaw..

dabaw..
daaaabaw..

ang iyong tanglaw ay aking gabay
tuwing maligaw sa piniling landas
sa himig mo ako'y sumasabay
saksi at kasapi sayong pagliyad

sa iyong mga looban at pagawaan inaaruga ang kinabukasan

dabaw..
daaaabaw..

dabaw..
daaaabaw..

1 Point of View:

Blogger Bedlamite let go...

yan ang nagagawa ng isang kunehong nasa gitna ng maarugang kagubatan...

miss na kita... uber... T_T

5/13/2006 01:20:00 AM  

Post a Comment

<< Front